Friday, November 24, 2006

TUTULAN ANG TUITION INCREASE NG UP!

tama ba na magtaas ang tuition?
hindi
government subsidy dapat ang tumaas
hindi dapat kami ang sumasalo sa pagkukulang ng gobyerno

TUTULAN ANG TUITION INCREASE NG UP!TUTULAN ANG TUITION INCREASE NG UP!
TUTULAN ANG TUITION INCREASE NG UP!TUTULAN ANG TUITION INCREASE NG UP!
TUTULAN ANG TUITION INCREASE NG UP!TUTULAN ANG TUITION INCREASE NG UP!
TUTULAN ANG TUITION INCREASE NG UP!TUTULAN ANG TUITION INCREASE NG UP!

Thursday, July 06, 2006

what the hell happened

in the words of the wise mushu-rip-off dragon from xialin showdown (yes, i do watch cartoons, and yes, i do love watching cartoons), "What happened?, I blinked and missed it."

what happened?
i blinked and life seemed to to faster than it used to, or am i slower than usual?
is everything going in its normal speed and i'm being left in slow motion?
everythings passing by
motorbikes on a freeway.
everything's a blur of lights and sounds.
i've lost touch.

youth. is. fleeting.
life. is. also.

i don't want to blink and find myself old, with a head full of white silvery hair, and not seeming to remember how i got there.
pause.
just, pause.
but,
there is no pause button to be found.
or,
if there was,
i can't press it.
sigh.

tis life
they say.
tis life

Thursday, June 22, 2006

once more, just for the sake of it

yes.
it has been three meetings.
and yes.
i still don't know my instructor's name.
...
nakita ko si maisha ngayon.
hmm...
ilang buwan na akong nakabalik sa maynila, pero mangilan-ngilan paring mga tao
ang nakita ko.
weird.
...
wala na akong masyadong idea sa jasms.
all i know is that jardine claimed the land that they say is theirs.
at yung konting mga kwento sa akin ni pareng mac.
...
did i mention na kaklase ko si mac?
...
wala na rin akong masyadong balita sa ibang batchmates.
hmm.
...
kakaiba talaga.

Thursday, May 25, 2006

this one has no title

after months of dormacy,
i am finally back.
i do not know which feels better, to be among cupboard dwelling faeries, or to be, once again, plugged into the system.
it's been so long that being plugged back in feels strange.

it is time, once again, to record the events of my life for friends, acquaintances, and complete strangers to read - and quite possibly, mock.
it does not matter what you want to do.
you're old enough, so i leave that choice to you.

it has been a very long time,
and a lot has happened.
i took the talent test and failed.
and as the saying goes, "when God closes a door, He opens a window."
i took another test
(yes, this summer vacation was filled with tests and interviews and rampaging dragons)
and this time, God allowed me to pass.
i went through an interview that felt like a job interview - or probably worse.
but God helped me get through it.
thankfully, i am still alive.

i haven't seen anyone.
apart from the boss.
and the three artists.
though i've heard from a handful of people.
which is good.
i wish i can see them again.
yes.
that would be good.

Thursday, May 04, 2006

Episode 16 - Talent Test

Katatapos lang ng talent test kahapon.
Nakakapagod siya.
Kahit na nakaupo ka lang ng apat na oras tuloy-tuloy.
At ngayon.
Hinihiling ko na sana'y makapasa ako.
Sana.

Antagal na rin pala mula nang huli akong nakakita ng tao.

Sunday, December 11, 2005

Episode 15 - Scribbles of a Lovesick Idiot

hfff.
i absolutely have no idea what to say.
or maybe i do
and i just don't know how.
or maybe i do
and i'm not sure if i should
i don't know.

if i do
what would change?
maybe there'll be something,
or maybe i'm just afraid.

do i dare ruin friendship?

i don't know.
i just want to dig my head into my hands and cry.
should i say it or no?

why does everything have to be so complicated?
or do i make it that way?

hmm.
maybe i should just say it.
i...

(kayo na lang tumapos)

Monday, November 21, 2005

Intermission - Situations

Situations
Jack Johnson

Situation Number one
Its the one that's just begun
But evidently its too late
Situation Number two
Its the only chance for you
It's controlled by denizens of hate
Situation Number three
It's the one that no one sees
All too often dismissed as fate
Situation Number four
The one that left you wanting more
Tantalized you with its bait

Tuesday, November 08, 2005

Episode 14 - Two Step

And as quickly as it all began, it came to an abrupt end.

Malapit nang matapos ang sembreak ko.
Malungkot hindi ba?
Nararamdaman ko na rin yung nararamdaman dati ni ning,
na parang seminar lang na in-attend-an ito tapos pagkatapos babalik din sa jasms pero hindi

Nakita ko nga yung mga batchmates ko.
Pero bitin.
Kulang ang isang gabi, ang isang araw, ang isang linggo
Bitin talaga pero wala akong magagawa
Sadyang madaya ang mundo.
Ganyan talaga, ang sabi nila.
Lahat ng magandang bagay ay natatapos
Bakit?
------------------------------------------------------------------------------------------------

at least once in their entire lives, everybody wanted to write a mushy love story

Monday, October 03, 2005

Episode 13 - yes, this is nice, isn't it? or is it?

In a matter of days, this semester will be over and i can finally catch up to that elusive and beautiful beast - sleep.
the impending end of the semester also means that i can, at long last, catch up to my reading. my to read list continuously flourishes but sadly i've read nothing from it, say neil gaiman's smokes and mirrors - which i haven't finished yet.
it means that i can see my highschool friends again - something that i've been looking forward to since, well, i don't know.
also, the coming end of the semester also means the opening of the gates of hell. well not literally but you know what i mean.

today is the beginning of hell week. the purge. all shall be cleansed and those found wanting shall perish.

kinakailangan kong magreview sa math! kung hindi ay mag-fa-finals ako at ayaw nating lahat iyon.

ang mga taga-campus crusade, hindi hell week ang tawag sa hell week. grace week. bakit kamo? kasi it's only by the grace of God na nakakalampas ka. and its true. mere strength, knowledge and perseverance is not enough, not with the monsters (paper work, quizzes, exams and professors) prowling about, one needs Grace to make it through.

haay.

i finished a short story. yes, i did. and i will post it here for the sole purpose of posting it here. (its just that i'm so jubilant - naka naman jubilant - that i was able to finish one)

Monday, September 19, 2005

Episode 12 - Cookie Jar

Hi
Antagal na since yung last post ko, at dahil wala naman akong masugid na taga subaybay - or kahit anong taga subaybay for that matter - wala akong problema.
Sa friday ay welcoming night sa SV, kaya hindi ako uuwi ng Manila. Madaling araw na lang ng Saturday.
Tinatamad ako. grabe

Friday, August 26, 2005

Episode 11 - Hmm

Napakaweird ko kagabi, hindi naman full moon.
Galing kasi ako ng play nung gabi, "Dreamgiver" ayos lang yung play, enjoy naman (i won't go into details about it, nakakatamad eh).
Basta ayon, naglakad ako palabas papuntang Grove tapos dun na ako nakasakay ng jeep (still seriously considering going to a dorm next sem), tapos pagbaba ko dun sa amin (kasi may street panglalakarin papunta sa apartment ko, one minute walk) ayon, naghihintay akong tumawid kasi kumakaripas ng takbo yung mga kotse parang natatae yung mga nagmamaneho, habang naghihihintay ako, inatake na naman ako ng adrenaline, bigla akong tumakbo patawid ng kalsada tapos tinakbo ko papunta sa gate sa apartments, tapos bigla biglang lulukso, tapos tawa ako ng tawa, ang sarap, adrenaline rush, umakyat lang ako ng kwarto para magpalit tapos bumaba para tumawag sa bahay (kasi wala pa ring signal sa loob ng bahay ang SUN) tapos habang naghihintay akong mag-ring yung phone, talon ako ng talon, magta-tumbling sana ako kaso di ako marunong. Basta napaka weird nang pinagagagawa ko kagabi. Tapos umakyat na ako upang matulog.

Then came the dream...

Yung ang sobrang weird, hindi ko maalala yung entirety ng panaginip ko pero ang hindi ko makalimutang part eh yung parang nasa isang classroom daw ako, white yung walls, me armchairs pero dadalawa lang daw kaming nandon, ako tapos isang babae na kakilala ko, pero hindi ko maalala kung sino sya, talagang hindi maalala, pero yung pagasal namin parang matagal na kaming magkakilala. Ayon, parang may pinaguusapan kami na kinakailangan pang isulat sa blackboard yung mga sinasabi namin tapos, nagtatawanan kami tapos biglang parang natalisod sya tapos nasalo ko sya. Then comes the really weird part, nagtitigan kami tapos sinubukan ko syang halikan, ayon, dumikit yung labi ko tapos bigla siyang tumayo, tapos ako hiyang hiya ako, sorry ako ng sorry sa kanya. Sabi nya ayos lang daw, pero hiyang hiya parin ako, then i started pounding the ground, tapos nagiiiyak ako, sorry ako ng sorry tapos kinapitan nya yung shoulders ko tapos tinignan nya ako, me sinabi sya na hindi ko na maalala tapos wala na.

Kakaiba no? Maayos naman yung mga nakain ko.

Friday, August 19, 2005

Episode 10 - Waha!

Wahahaha!
Gusto kong tumawa ng tumawa.
Napakasaya ko ngayong araw ngayon, ewan ko kung bakit.
Pakiramdam ko uminom ako ng - teka, ano nga yung bulaklak na iniinom nung greek gods yung nectar na nagiging euphoric sila - basta yun, ganon pakiramdam ko. Ewan ko kung bakit.

Sadyang masaya lang ako, siguro kasi tapos na ang Midterms ko sa Math11. Masaya pala magexam ng gabi (7-9 beybe) kasi pagkatapos, takbo kagad kami sa LB square, tambay ng konti, ampangit nga eh, dala ko pa yung higante kong payong (aka circus tent) kaya lumuwas na ako kagad pauwi kasi pagod na rin ako.
Tama nga, masaya ang LB nights, enjoy sya, kung hindi lang sana malayo ang tinutuluyan kong apartment, magtatatambay ako ng gabi, enjoy eh.

I'm seriously considering moving sa dorm na mas malapit sa campus (sa MaReHa pede, kasi mag maganda doon kumpara sa Men Dorm's at marami akong kaibigan doon, kaso mataas nga lang kasi sa Makiling nga sya waha!

Uuwi na ako mamaya tapos babalik din ako bukas (kung marami lang siguro akong damit - at may tv ako - hindi na siguro ako babalik) kasi fieldtrip na namin sa Corregidor! Orayt!

So there. Ayon na muna

Monday, August 08, 2005

Episode 9

This episode doesn't have a title since i can't think of anything, so i'm just gonna call it episode nine, plain and simple.

i, all of a sudden, feel depressed, not the sort of depressed that's bad, or maybe i don't feel depressed at all, may i'm just nostalgic. i don't know. i was not able to go to loid's birthday and that was a major bummer. i'm still nostalgic and/or depressed, and i still don't know why. maybe i'd better eat, i've eaten though, i just feel like eating.

wala na akong masulat
what's wrong with me?

Monday, August 01, 2005

Episode 8 - Ang Di-makatarungang Barker.

Nitong weekend, naka-cover ako ng siguro more than 150 Km. sa aking kakabyahe.
Eto, i-re-recap ko ang lahat ng aking napuntahan.
Natapos yung klase ko nung Friday, tumakbo kagad ako ng apartment at kinuha ang aking mga gamit.

1st Stop - Malvar, Batangas.
Nakitulog ako sa relatives namin dito kasi kinabukasan may pupuntahan kami para sa DevCom 10 Class namin. Ayon, masaya dito kasi yung isa kong tito, na para ko lang pinsan, kapareho ko ng trip. Nung papunta na dito, sa terminal, jeep ang sasakyan, tapos bale pang dalawang tao na lang ang upuan, nagtatawag yung barker ng 4, pinapausog nga ako kaso ayaw ko nang umusog kasi buntis yung katabi ko.

2nd Stop - Fernando Air Base, Lipa City, Batangas
Dito yung pinuntahan namin para sa Project namin. Nanginterview kami ng 6 households. Nung una kahit may permit na kami, ayaw kaming papasukin, nagkukulitan pa nga kami, sabi namin pagbababarilin kami palabas, or i-sa-salvage kami. Feeling namin mga journalist talaga kami kasi yung tipong magpapakita ng permit, makikipag-reason out. Bawal daw yung camera, pero tinago namin, tapos ginamit yung phone-cam ko, hehe, galing di ba?

3rd Stop - Malvar ulit
Bumalik lang ako dito para kumain at magpahinga tapos luwas na ulit.

4th Stop - Cubao, Quezon City
Umuwi na ako. Ganon. Inabutan ako ng ulan.

5th Stop - Los Banos, Laguna
Syempre, babalik din ako sa pinangalingan kasi may pasok bukas, at may exam pa. Anlakas ng ulan nung papabalik na ako, nung una nga dapat commute lang ako tapos kinulit ko si mama na ihatid na lang ako. Kaya ayon.

Astig, hindi natuloy yung reporting namin ngayon. Maganda yon.

Napagalaman ko na ang dating pangalan ng LB ay Mainit. Hmm (refer to Episode 2)

Thursday, July 28, 2005

Episode 7 - First Weekend

Kahit na mag-da-dalawang buwan na ako dito sa Elbi, hindi ko pang nasubukang mag-stay dito for the weekend, kasi 3 oras, 72 Km lang ang layo ng Metro Manila dito, kaya umuuwi ako.
Pero ngayon, dahil tinambakan ako ng isang garbage truck worth ng gawain, hindi ako makakabalik sa Maynila.

Madaming nangyari during the past weeks.
1) Na-lock ako sa labas ng sarili kong apartment. Sanay kasi ako sa bahay na screen lang ang nakaharang, kaso ngayon, di na screen. Ganito kasi ang nangyari, may tinatapos akong assignment sa Hum2 namin tapos mag te-10 na di pa ako nakakatawag sa bahay, kaya nagmadali akong bumaba at tumawag (kasi walang signal ng Sun sa kwarto ko) at sa aking kamamadali, naiwan ko yung susi, e sanay akong nila-lock yung pinto pag palabas ako kaya tada! Nakapasok naman ako after mga 30 minutes, una nagpaka-Magyver ako, sinubukan kong buksan gamit card, kaso malalim, tapos inalis ko yung jalousi tapos inabot ko ng kamay ko yung doorknob, kaso pader lang ang nakapa ko (nagkanda gasgas-gasgas nga yung braso ko eh) tapos tinulungan ako nung kapitbahay ko, inabot nya ng belt yung doorknob tapos parang magic natanggal yung lock.
2) Nasira yung burner ng pc ko, ewan ko kung nasira pero di na nare-recognize nung pc yung burner eh.
3) May pasok kami nung SONA

Haay...tapos, sa Monday, exam ko sa NaSc3, report at deadline ng paper ng Hist1. Sa Tuesday, exam sa Econ10, sa Thursday Long Exam sa Math11.

Magaling hindi ba?

Friday, July 15, 2005

Episode 6 - Melting Pot

Na-depress ako kagabi, ewan ko kung bakit.
Probably the fact na reporting ko kasi kinabukasan (na kakatapos lang, wala akong ma-comment kung nagustuhan ng prof ko o hindi kas madalas wala syang na di-display na emotion)
Or baka rin na dalawang chapter na lang tapos ko na yung Neverwhere (gandang libro, yung tipong ambilis basahin kaso ayaw mo pang matapos kasi ang ganda ng pagkakagawa), (badtrip, kelangan ko na namang nakahanap ng bagong libro, Angels and Demons na lang siguro)

Kwento ko lang, noong isang araw, bloc (hindi ko pa rin alam talaga ang spelling nun, kung may k or wala) meeting kami, tapos pinapanood samin yung childbirth, para takutin kami na wag makipag, uhm, "intimate" relations sa ibang tao. Freaky. Talagang pinakita yung baby, na, "nag-e-emerge" into the world at an, interesting angle.

Nung Monday, wala yung prof ko sa history kaya nasa bahay lang ako, nakahiga, nakatitig sa bubong, tapos sabi sa NU 107, maya-maya daw ay yung interview na nila kay Neil Gaiman, oo nga pala! So ayon, napakinggan ko.

Pero hindi naman ako depressed buong araw kahapon. Noong umaga, masaya ako kasi mahaba-haba ang aking tulog, at maging hanggang klase ko enjoy.
Noong tapos na ang aking klase at ako'y pauwi nang muli sa aking bahay, dumaan akong Bugong (kainan yon, kaso take out lang [josephine, eto yung roast chicken]), tapos noong papasakay na ako ng jeep, napansin ko may tinititigan yung ibang tao yung iba natatawa, yung iba parang concerned, so dahil ako'y isang normal na pilipino at ganap sa aking pagkatao ang pagiging usyoso, hinanap ko kung ano yung tinitignan nila. Sa tapat ng Bugong, bago pumasok ng UPLB gate, may kainan, tapahan, tapos kita mo yung nilulutuan nila na higanteng wok. Noong araw na yon, napansin ko nag kabit sila ng tarpaulin na sign, para mag attract ng mas maraming customer, doon sa bandang harap na ding-ding, sa harap na harap lang ng lutuan. Ang ironic na bagay, na sunog yung tarpaulin, dahil nga naabot pala sya ng apoy galing sa kalan. Lahat ng nakakita, tumigil (kasama ako doon, umupo pa nga ako para lang manood, tapos parang ang sama ko pero natatawa pa ako). Yung mga taga doon sa tapahan, tinitigan lang yung apoy, tapos parang biglang naalala na baka magkanda-leche-leche ang buhay nila, sinubukang buhusan ng tubig, kaso hindi gaano gumana kasi may mantika so ayon. Ang kapal ng usok, maitim-itim.
Maya't-maya pa (as in mamaya pa), may mga tumatakbo nang UPF (Univ. Police Force, Pigoy sa local terminologies) na may dalang fire extinguisher. Natatawa ako sa kinauupuan ko kasi para syang Pinoy Slapstick Comedy. Tapos hinatak nila yung tarpaulin sa lupa, tapos natawa ulit ako kasi parang hindi pa nila mahatak yung pin sa fire extinguisher pero na-tangal din nila tapos ayon, napatay din nila yung apoy. Sumakay na ako ng jeep, nagbayad ng 6(ang mahal na ng pamasahe) tapos nagmuni-muni.

Ayon, tinapos ko yung report ko nung gabi, natulog ng konti. Hindi ako nakapunta sa SV kasi yun nga tinapos ko yung report ko (sobrang redundant ko na). Tapos nag-empake ng gamit. Nag-linis din pala ako ng apartment kahapon, gulat ako sa sarili ko (wow, kahit konti responsable pala ako).

Sa kasalukuyan, nandito ako sa internet shop sa Raymundo Gate. 12 na tapos may klase pa ako ng 1, malayo-layong lakad pa papuntang Math Bldg tapos kakain pa ako pero ayos lang yun tapos luluwas na naman kaming papuntang Cubao.

Wednesday, July 13, 2005

Intermission - Lie in Our Graves

"Ladies and Gentlemen, there will be a 15 minute break..."

Ganyan yung sa mga Play di ba? wala lang naman. Antagal na since yung last kong post eh di ko pa sya tapos so eto na lang muna.

When I step into the light my arms open wide
When I step into the light my eyes searching wild
Would you not like to be
Sitting on top of the world with your legs hanging free
Would you not like to be ok, ok, ok

When we’re walking by the water
Splish splash me and you taking a bath
When we’re walking by the water
Come to my toes to my ankles to my head to my soul
Then I’m blown away
When we’re walking by the water
Splish splash me and you taking a bath
When we’re walking by the water
Come to my toes to my ankles to my head to my soul
Then I’m blown away

I can’t believe that we would lie in graves
Wondering if we had spent our living days well
I can’t believe that we would lie in graves
Wondering what we might of been
I can’t believe that we would lie in graves
Wondering if we had spent our living days well
I can’t believe that we would lie in graves
Wondering what we might of been

Would you not like to be
Would you not like to be
I can’t believe that you would not like to be
Would you not like to be
Ok, ok, ok,Ok, ok, ok,Ok, ok, ok,Ok, ok, ok,

Don’t dance away

Tuesday, June 21, 2005

Episode 5 – Stand by Me

I’m sure some of you are familiar with the movie (and the song) of the same title. Both talk about friendship, in its true form, the one that lasts. I’ve seen the movie twice I think and heard the song over a dozen times, but I will never tire of it.

I loved the movie. I loved all of them and I found the part about the leeches hilarious. But of all, the thing I loved the most was the fact that the characters of the story stuck together and remained friends, even though they never saw each other again, during the time that they were together, they didn’t let anything get in the way of their friendship.

I’m sitting here in front of the screen typing this as I look at the pictures of my JASMS batch. I miss them all, how I miss them all! I long for the days when we would just sit by the quadrangle and someone would play the guitar and everyone – well mostly everyone – would join in the singing, or the times when we would just talk, and we would talk for hours. I look at the pictures and I remember everything, and I laugh by myself because of them. I remember the days and I feel like crying. I miss those days. I think that if I haven’t gone to JASMS and gone someplace else, it wouldn’t be the same. If I haven’t gone to JASMS I wouldn’t have met all the wonderful people I’ve met and I wouldn’t have learned about things that no sort of education could provide.

Now I’m in college and I’m striving to get high grades so I can get myself a good job. I just started this chapter of my life and I’m just getting to meet new people and making new friends. I remembered a line said in the movie, “I never had friends like them again, who does?” I will never find people who were like my high school batch mates in my life, I may find some people who act like them or talk like them, but they will never be exactly like them.

I love all these people and I will continue to love them. I may never see some of them ever again, but I will cherish them in my heart forever.

Episode 4 – Happy Father’s Day

I slept late that night and woke up to the sound of my brother’s voice shouting at my door. Sabi nila gutom na daw sila at bilisan kong maligo para makakain na daw kami. The original plan was that they would bring my stuff from Manila, spend the day here and go back home later that night (aalis kasi ang aking ama papuntang Malaysia kinabukasan). Napaisip ako, ano mas gusto ko? Tumambay dito at maglaro ng PC tapos wala na or umuwi na lang muna sa Manila tapos makipagsapalaran na lang sa paguwi kinabukasan. Pinili kong umuwi.

Sumabay ako sa kanila pauwing Manila. I felt like a kid, a real small kid as I looked out the window at the things that I haven’t seen in a week. Nakakahiya, isang linggo pa lang ganito na ako.

Pagdating sa bahay na enjoy ko muli ang pagkain sa lamesa ng may kasabay. Ang lasa ng bagong lutong ulam – kasi panay fast food na lang ako since dumating ako dito – ang manood ng TV na may cable – na ikaw yung hahawak ng remote – at ang matulog sa kama sa isang lugar na pamilyar ka. Enjoy sa bahay nung gabing yon. Masarap malasap muli yung artificial na lamig na nagagawa ng aircon.

Nagising kami umaga ng Sunday na yon. Tahimik kami, kasi alam naming magkakahiwa-hiwalay muli kami, hindi lang ako ang aalis kundi pati si Papa, at ang maiiwan lang sa bahay ay ang aking kapatid at ang aming kasama sa bahay (kasi nasa Malaysia ang aking nanay nagaaaral ng Masteral nya). Noong araw na ‘yon ay Father’s Day, ito ang araw kung kelan ang isang pamilya ay lumalabas upang manood ng sine, kumain or basta manood lang ng TV ng makakasama. Pero itong Father’s Day na ito, nagkahiwahiwalay kami.

Sabay kami ni Pa umalis. Ibinaba nya ako sa sakayan ng bus at dumiretso na sya ng Airport. Umakyat ako ng bus, tahimik lang. Solo flight ka ngayon pre. I left Manila at 12:30 and arrived in Los Baños at 3:30. I went upstair and fixed my stuff, and lay on my bed with the thought going through my mind over and over again, “July 2, we’ll all be home on July 2.”

Episode 3 – Don’t Believe the Truth

According to the ever reliable Time Table that they gave Freshies on the first day, my TTh classes don’t start until 9. So I got up at around quarter to eight, confident that I would even arrive there early. When I got to CEM (people here pronounce it as SEM, mahahalata nilang Freshman ka kung C-E-M mo sinasabi at ayaw mong malaman ng mga higher years na Freshman ka) I looked around for my room, CEM 204, it was. I went around the place a couple of times, not really considering asking anyone because of the stories that I’ve heard (Ingat ka sa pagtatanong sa higher years, baka pagtripan ka non!) but when I’ve finally decided that it would help, I asked a person there, a janitor he was, I think. He told me that the room was being renovated and that sections that were supposed to have their lecture there were meeting in the Computer Science building – which was a long walk from CEM. So being the obedient little sucker that I am, I gathered my stuff and began the walk (noticing that my watch said it was already 9:10). I walked around the CS Bldg and found no such class so I decided to head back to CEM and ask again. So I did – I didn’t ask the same person of course – and this man showed me a schedule which showed the sections and after learning where I was supposed to go, I also learned when I was supposed to arrive there. Great! I thought, not only do I lose my way to my first subject, I would also come in an hour late! I entered the classroom and thanked God when I learned that our professor was human, not a demon wearing a mask.

After that, I had another class which exactly followed so I ran over the DevCom building. The lecturer got all of us acquainted and I met someone who was also in my Math 11 class. Ayos! At least di na ako magmumukhang loner sa Math 11. Pagdating sa Math 11, binigyan kami ng Diagnostic Test at dahil mabait akong estudyante, nakalimutan ko na ang mga ito. Sa loob loob ko, tinatawagan ko si Mrs. Tiburcio, parang pinipilit kong makipag usap sa kanya telepathically, “Ma’am,” sabi ko, “paki sagot naman ‘to”

Natapos ang klaseng ito at tinignan ko ang aking mapagkakatiwalaang schedule, sabi dito, ang susunod kong klase ay 4 pa daw. Sinilip ko ang aking relo, nakatutok ang maliit na daliri nito sa 1. Magaling! Napakagaling! Ano naman ang gagawin ko mula 1 hanggang 4! Dahan dahang umusad ang mga kamay ng relo sa alas kwatro, at makalipas ang isang siglo, naglakad na ako papuntang Hum 2.

Pag pasok ko sa aming room, nakakita ako ng cage sa isang sulok, na parang kakasya ang isang unggoy. Inexpect kong sabihin nung prof naming pagpasok nya, “Good afternoon class, ako ang batas dito! Ang sinomang unggoy na hindi sumunod sa lahat ng aking ipinaguutos ay ikukulong sa kulungang ‘yon” Yun ang kinatutuwaan ko nung pagkakataong yun, tapos bawat bukas ng pinto, akala namin dumating na ang batas. Pero makalipas ang 45 min. walang dumating, at dahil nasa kolehiyo na kami, lumayas kami ng room.

The next morning, 10 yung nakalagay sa schedule kong una kong klase. Dinobol check ko, baka mali na naman. Tama. Dumating ako dun sa room na nakalagay sa schedule – Gallery 1 sa New CAS. Natuwa ako ng konti, maganda ang room naming, malinis, may aircon, bago! Dumating ang aming professor, isang taong sa unang tingin ay parang blanko ang mukha, parang nandoon sya pero ang kanyang isip ay nasa ibang lugar, at sinabing hindi raw dito ang aming classroom, kami daw ay lilipat sa old CAS, sa old classroom. Parang sinabi nya na ring, “Okay class, pack your things and take your final glimpse of daylight, we shall be transferring to a dungeon where I am more familiar with the smell of decaying flesh.” Oo, aaminin kong medyo exaggerated ang aking sinabi, kasi maayos din naman yung room sa OLD CAS.

Nagpakilala ang aming professor (For safety purposes, mostly for mine, I will not mention his name here) maya-maya, sinabi nyang hindi raw iyon ang tunay nyang pangalan. Ang tunay nya raw na pagkatao ay masasabi nya lang sa amin sa pamamagitan ng pagsabing ang kanyang ina ay isang birhen at ang kanyang ama ay isang karpintero (sa susunod pa naming klase ay sinabi nyang dati raw ay taga-Galilee sya at nakapaglalakad sa tubig at gumagawa ng iba’t ibang uri ng mirakulo). Sa isip-isip ko, napaka-blasphemous naman ng taong ito. Biglang tinanong nya kami kung blasphemous daw ba ang kanyang sinabi? At dahil kaming lahat ay Freshman – at nagpapakabait pa sa mga professor – wala na lang sumagot. Naisip ko, ano kayang mangyayari sa taong ito? Pero hindi ko na muna tinuloy ang aking paiiisip kasi inannounce nya na may kailangan daw kaming basahin at gawan ng reaction paper for the next meeting. Wonderful!

Natapos ang aking araw at ang aking unang linggo sa Unibersidad at sa Los Baños ng nagiisa. I was longing for tomorrow, when my family would come visit me and would also bring the computer along (para may magawa na ako bukod sa pagkausap sa pader at pagbilang sa napatay kong gamo-gamo).