Na-depress ako kagabi, ewan ko kung bakit.
Probably the fact na reporting ko kasi kinabukasan (na kakatapos lang, wala akong ma-comment kung nagustuhan ng prof ko o hindi kas madalas wala syang na di-display na emotion)
Or baka rin na dalawang chapter na lang tapos ko na yung Neverwhere (gandang libro, yung tipong ambilis basahin kaso ayaw mo pang matapos kasi ang ganda ng pagkakagawa), (badtrip, kelangan ko na namang nakahanap ng bagong libro, Angels and Demons na lang siguro)
Kwento ko lang, noong isang araw, bloc (hindi ko pa rin alam talaga ang spelling nun, kung may k or wala) meeting kami, tapos pinapanood samin yung childbirth, para takutin kami na wag makipag, uhm, "intimate" relations sa ibang tao. Freaky. Talagang pinakita yung baby, na, "nag-e-emerge" into the world at an, interesting angle.
Nung Monday, wala yung prof ko sa history kaya nasa bahay lang ako, nakahiga, nakatitig sa bubong, tapos sabi sa NU 107, maya-maya daw ay yung interview na nila kay Neil Gaiman, oo nga pala! So ayon, napakinggan ko.
Pero hindi naman ako depressed buong araw kahapon. Noong umaga, masaya ako kasi mahaba-haba ang aking tulog, at maging hanggang klase ko enjoy.
Noong tapos na ang aking klase at ako'y pauwi nang muli sa aking bahay, dumaan akong Bugong (kainan yon, kaso take out lang [josephine, eto yung roast chicken]), tapos noong papasakay na ako ng jeep, napansin ko may tinititigan yung ibang tao yung iba natatawa, yung iba parang concerned, so dahil ako'y isang normal na pilipino at ganap sa aking pagkatao ang pagiging usyoso, hinanap ko kung ano yung tinitignan nila. Sa tapat ng Bugong, bago pumasok ng UPLB gate, may kainan, tapahan, tapos kita mo yung nilulutuan nila na higanteng wok. Noong araw na yon, napansin ko nag kabit sila ng tarpaulin na sign, para mag attract ng mas maraming customer, doon sa bandang harap na ding-ding, sa harap na harap lang ng lutuan. Ang ironic na bagay, na sunog yung tarpaulin, dahil nga naabot pala sya ng apoy galing sa kalan. Lahat ng nakakita, tumigil (kasama ako doon, umupo pa nga ako para lang manood, tapos parang ang sama ko pero natatawa pa ako). Yung mga taga doon sa tapahan, tinitigan lang yung apoy, tapos parang biglang naalala na baka magkanda-leche-leche ang buhay nila, sinubukang buhusan ng tubig, kaso hindi gaano gumana kasi may mantika so ayon. Ang kapal ng usok, maitim-itim.
Maya't-maya pa (as in mamaya pa), may mga tumatakbo nang UPF (Univ. Police Force, Pigoy sa local terminologies) na may dalang fire extinguisher. Natatawa ako sa kinauupuan ko kasi para syang Pinoy Slapstick Comedy. Tapos hinatak nila yung tarpaulin sa lupa, tapos natawa ulit ako kasi parang hindi pa nila mahatak yung pin sa fire extinguisher pero na-tangal din nila tapos ayon, napatay din nila yung apoy. Sumakay na ako ng jeep, nagbayad ng 6(ang mahal na ng pamasahe) tapos nagmuni-muni.
Ayon, tinapos ko yung report ko nung gabi, natulog ng konti. Hindi ako nakapunta sa SV kasi yun nga tinapos ko yung report ko (sobrang redundant ko na). Tapos nag-empake ng gamit. Nag-linis din pala ako ng apartment kahapon, gulat ako sa sarili ko (wow, kahit konti responsable pala ako).
Sa kasalukuyan, nandito ako sa internet shop sa Raymundo Gate. 12 na tapos may klase pa ako ng 1, malayo-layong lakad pa papuntang Math Bldg tapos kakain pa ako pero ayos lang yun tapos luluwas na naman kaming papuntang Cubao.
No comments:
Post a Comment