Napakaweird ko kagabi, hindi naman full moon.
Galing kasi ako ng play nung gabi, "Dreamgiver" ayos lang yung play, enjoy naman (i won't go into details about it, nakakatamad eh).
Basta ayon, naglakad ako palabas papuntang Grove tapos dun na ako nakasakay ng jeep (still seriously considering going to a dorm next sem), tapos pagbaba ko dun sa amin (kasi may street panglalakarin papunta sa apartment ko, one minute walk) ayon, naghihintay akong tumawid kasi kumakaripas ng takbo yung mga kotse parang natatae yung mga nagmamaneho, habang naghihihintay ako, inatake na naman ako ng adrenaline, bigla akong tumakbo patawid ng kalsada tapos tinakbo ko papunta sa gate sa apartments, tapos bigla biglang lulukso, tapos tawa ako ng tawa, ang sarap, adrenaline rush, umakyat lang ako ng kwarto para magpalit tapos bumaba para tumawag sa bahay (kasi wala pa ring signal sa loob ng bahay ang SUN) tapos habang naghihintay akong mag-ring yung phone, talon ako ng talon, magta-tumbling sana ako kaso di ako marunong. Basta napaka weird nang pinagagagawa ko kagabi. Tapos umakyat na ako upang matulog.
Then came the dream...
Yung ang sobrang weird, hindi ko maalala yung entirety ng panaginip ko pero ang hindi ko makalimutang part eh yung parang nasa isang classroom daw ako, white yung walls, me armchairs pero dadalawa lang daw kaming nandon, ako tapos isang babae na kakilala ko, pero hindi ko maalala kung sino sya, talagang hindi maalala, pero yung pagasal namin parang matagal na kaming magkakilala. Ayon, parang may pinaguusapan kami na kinakailangan pang isulat sa blackboard yung mga sinasabi namin tapos, nagtatawanan kami tapos biglang parang natalisod sya tapos nasalo ko sya. Then comes the really weird part, nagtitigan kami tapos sinubukan ko syang halikan, ayon, dumikit yung labi ko tapos bigla siyang tumayo, tapos ako hiyang hiya ako, sorry ako ng sorry sa kanya. Sabi nya ayos lang daw, pero hiyang hiya parin ako, then i started pounding the ground, tapos nagiiiyak ako, sorry ako ng sorry tapos kinapitan nya yung shoulders ko tapos tinignan nya ako, me sinabi sya na hindi ko na maalala tapos wala na.
Kakaiba no? Maayos naman yung mga nakain ko.
No comments:
Post a Comment