Nitong weekend, naka-cover ako ng siguro more than 150 Km. sa aking kakabyahe.
Eto, i-re-recap ko ang lahat ng aking napuntahan.
Natapos yung klase ko nung Friday, tumakbo kagad ako ng apartment at kinuha ang aking mga gamit.
1st Stop - Malvar, Batangas.
Nakitulog ako sa relatives namin dito kasi kinabukasan may pupuntahan kami para sa DevCom 10 Class namin. Ayon, masaya dito kasi yung isa kong tito, na para ko lang pinsan, kapareho ko ng trip. Nung papunta na dito, sa terminal, jeep ang sasakyan, tapos bale pang dalawang tao na lang ang upuan, nagtatawag yung barker ng 4, pinapausog nga ako kaso ayaw ko nang umusog kasi buntis yung katabi ko.
2nd Stop - Fernando Air Base, Lipa City, Batangas
Dito yung pinuntahan namin para sa Project namin. Nanginterview kami ng 6 households. Nung una kahit may permit na kami, ayaw kaming papasukin, nagkukulitan pa nga kami, sabi namin pagbababarilin kami palabas, or i-sa-salvage kami. Feeling namin mga journalist talaga kami kasi yung tipong magpapakita ng permit, makikipag-reason out. Bawal daw yung camera, pero tinago namin, tapos ginamit yung phone-cam ko, hehe, galing di ba?
3rd Stop - Malvar ulit
Bumalik lang ako dito para kumain at magpahinga tapos luwas na ulit.
4th Stop - Cubao, Quezon City
Umuwi na ako. Ganon. Inabutan ako ng ulan.
5th Stop - Los Banos, Laguna
Syempre, babalik din ako sa pinangalingan kasi may pasok bukas, at may exam pa. Anlakas ng ulan nung papabalik na ako, nung una nga dapat commute lang ako tapos kinulit ko si mama na ihatid na lang ako. Kaya ayon.
Astig, hindi natuloy yung reporting namin ngayon. Maganda yon.
Napagalaman ko na ang dating pangalan ng LB ay Mainit. Hmm (refer to Episode 2)
No comments:
Post a Comment