Tuesday, June 21, 2005

Episode 4 – Happy Father’s Day

I slept late that night and woke up to the sound of my brother’s voice shouting at my door. Sabi nila gutom na daw sila at bilisan kong maligo para makakain na daw kami. The original plan was that they would bring my stuff from Manila, spend the day here and go back home later that night (aalis kasi ang aking ama papuntang Malaysia kinabukasan). Napaisip ako, ano mas gusto ko? Tumambay dito at maglaro ng PC tapos wala na or umuwi na lang muna sa Manila tapos makipagsapalaran na lang sa paguwi kinabukasan. Pinili kong umuwi.

Sumabay ako sa kanila pauwing Manila. I felt like a kid, a real small kid as I looked out the window at the things that I haven’t seen in a week. Nakakahiya, isang linggo pa lang ganito na ako.

Pagdating sa bahay na enjoy ko muli ang pagkain sa lamesa ng may kasabay. Ang lasa ng bagong lutong ulam – kasi panay fast food na lang ako since dumating ako dito – ang manood ng TV na may cable – na ikaw yung hahawak ng remote – at ang matulog sa kama sa isang lugar na pamilyar ka. Enjoy sa bahay nung gabing yon. Masarap malasap muli yung artificial na lamig na nagagawa ng aircon.

Nagising kami umaga ng Sunday na yon. Tahimik kami, kasi alam naming magkakahiwa-hiwalay muli kami, hindi lang ako ang aalis kundi pati si Papa, at ang maiiwan lang sa bahay ay ang aking kapatid at ang aming kasama sa bahay (kasi nasa Malaysia ang aking nanay nagaaaral ng Masteral nya). Noong araw na ‘yon ay Father’s Day, ito ang araw kung kelan ang isang pamilya ay lumalabas upang manood ng sine, kumain or basta manood lang ng TV ng makakasama. Pero itong Father’s Day na ito, nagkahiwahiwalay kami.

Sabay kami ni Pa umalis. Ibinaba nya ako sa sakayan ng bus at dumiretso na sya ng Airport. Umakyat ako ng bus, tahimik lang. Solo flight ka ngayon pre. I left Manila at 12:30 and arrived in Los Baños at 3:30. I went upstair and fixed my stuff, and lay on my bed with the thought going through my mind over and over again, “July 2, we’ll all be home on July 2.”

No comments: