It has been a week since I started living here in Los Baños and if there is a statement that could possibly sum up that week it would be what Hannah had said, “Lahat naman ng bagay dito mainit.” The days are hot, the water is hot and there is nothing that I can do about it. The nights are not so bad, but it’s not exactly the best either. The people here say that the heat is will go away once the rains start. And it has rained a couple of times since I got here, but they’re only 10 minute rains then the sun comes out again and tortures everyone.
Hindi ako nagrereklamo sa init dahil hindi ako sanay, sanay ako sa init. Mainit sa Manila, mainit sa JASMS, mainit sa jeep at bus. Pero ang init dito sa lugar na ito, kakaiba, yung uri ng init na na-de-drain ang lakas mo, yung tipo ng init na pagkatapos ng araw, ang kaya mo na lang gawin ay gumapang papuntang kama mo.
First day of school nung 15. Nag-orientation kami nung umaga, 8 Am – 1 Pm. At katulad ng lahat ng orientation na napasukan ko sa tana ng aking buhay, mukha pang mabait ang mga professor – pero kilala mo na kung sino yung mga first day lang mabait. At hindi rin nawala ang kinagisnan nang tradisyon ng pagpapakitang gilas ng mga orgs. Bago pa lang kami – Freshie sa salita dito – at hindi pa kami pedeng sumali sa kahit anong grupo.
Pagkatapos ng orientation na ito – na most of the time ay tinulugan ko lang – in-announce na pagkatapos na pagkatapos nito ay regular classes na. Hmm, maganda di ‘ba? Sabay sabay dumukot ng mga schedule ang mga freshie at ang iba’y natuwa, wala silang klase or mamaya pang hapon, ang iba nama’y nalungkot – at isa ako don – may klase ako eksaktong pagkatapos ng orientation at Physics pa ang subject ko.
Tumakbo akong papunta ng Math Building, natatakot na baka imbes na isang guro ang nailagay nila sa section ko, nakapaglagay sila ng isang halimaw na nangangain ng bata. Nung ako’y dumating doon, my fears were proven wrong. Mabait ang naging professor naming sa Nasc 3 – at lately nalaman kong elegante pa, nag-le-lecture ng naka-Apple! – at pala tawa.
Natapos ang aking unang araw sa UP at umuwi na ako sa aking munting tirahan. At katulad ng halos lahat ng nakilala kong hindi taga-rito, na homesick.
No comments:
Post a Comment