Friday, August 26, 2005

Episode 11 - Hmm

Napakaweird ko kagabi, hindi naman full moon.
Galing kasi ako ng play nung gabi, "Dreamgiver" ayos lang yung play, enjoy naman (i won't go into details about it, nakakatamad eh).
Basta ayon, naglakad ako palabas papuntang Grove tapos dun na ako nakasakay ng jeep (still seriously considering going to a dorm next sem), tapos pagbaba ko dun sa amin (kasi may street panglalakarin papunta sa apartment ko, one minute walk) ayon, naghihintay akong tumawid kasi kumakaripas ng takbo yung mga kotse parang natatae yung mga nagmamaneho, habang naghihihintay ako, inatake na naman ako ng adrenaline, bigla akong tumakbo patawid ng kalsada tapos tinakbo ko papunta sa gate sa apartments, tapos bigla biglang lulukso, tapos tawa ako ng tawa, ang sarap, adrenaline rush, umakyat lang ako ng kwarto para magpalit tapos bumaba para tumawag sa bahay (kasi wala pa ring signal sa loob ng bahay ang SUN) tapos habang naghihintay akong mag-ring yung phone, talon ako ng talon, magta-tumbling sana ako kaso di ako marunong. Basta napaka weird nang pinagagagawa ko kagabi. Tapos umakyat na ako upang matulog.

Then came the dream...

Yung ang sobrang weird, hindi ko maalala yung entirety ng panaginip ko pero ang hindi ko makalimutang part eh yung parang nasa isang classroom daw ako, white yung walls, me armchairs pero dadalawa lang daw kaming nandon, ako tapos isang babae na kakilala ko, pero hindi ko maalala kung sino sya, talagang hindi maalala, pero yung pagasal namin parang matagal na kaming magkakilala. Ayon, parang may pinaguusapan kami na kinakailangan pang isulat sa blackboard yung mga sinasabi namin tapos, nagtatawanan kami tapos biglang parang natalisod sya tapos nasalo ko sya. Then comes the really weird part, nagtitigan kami tapos sinubukan ko syang halikan, ayon, dumikit yung labi ko tapos bigla siyang tumayo, tapos ako hiyang hiya ako, sorry ako ng sorry sa kanya. Sabi nya ayos lang daw, pero hiyang hiya parin ako, then i started pounding the ground, tapos nagiiiyak ako, sorry ako ng sorry tapos kinapitan nya yung shoulders ko tapos tinignan nya ako, me sinabi sya na hindi ko na maalala tapos wala na.

Kakaiba no? Maayos naman yung mga nakain ko.

Friday, August 19, 2005

Episode 10 - Waha!

Wahahaha!
Gusto kong tumawa ng tumawa.
Napakasaya ko ngayong araw ngayon, ewan ko kung bakit.
Pakiramdam ko uminom ako ng - teka, ano nga yung bulaklak na iniinom nung greek gods yung nectar na nagiging euphoric sila - basta yun, ganon pakiramdam ko. Ewan ko kung bakit.

Sadyang masaya lang ako, siguro kasi tapos na ang Midterms ko sa Math11. Masaya pala magexam ng gabi (7-9 beybe) kasi pagkatapos, takbo kagad kami sa LB square, tambay ng konti, ampangit nga eh, dala ko pa yung higante kong payong (aka circus tent) kaya lumuwas na ako kagad pauwi kasi pagod na rin ako.
Tama nga, masaya ang LB nights, enjoy sya, kung hindi lang sana malayo ang tinutuluyan kong apartment, magtatatambay ako ng gabi, enjoy eh.

I'm seriously considering moving sa dorm na mas malapit sa campus (sa MaReHa pede, kasi mag maganda doon kumpara sa Men Dorm's at marami akong kaibigan doon, kaso mataas nga lang kasi sa Makiling nga sya waha!

Uuwi na ako mamaya tapos babalik din ako bukas (kung marami lang siguro akong damit - at may tv ako - hindi na siguro ako babalik) kasi fieldtrip na namin sa Corregidor! Orayt!

So there. Ayon na muna

Monday, August 08, 2005

Episode 9

This episode doesn't have a title since i can't think of anything, so i'm just gonna call it episode nine, plain and simple.

i, all of a sudden, feel depressed, not the sort of depressed that's bad, or maybe i don't feel depressed at all, may i'm just nostalgic. i don't know. i was not able to go to loid's birthday and that was a major bummer. i'm still nostalgic and/or depressed, and i still don't know why. maybe i'd better eat, i've eaten though, i just feel like eating.

wala na akong masulat
what's wrong with me?

Monday, August 01, 2005

Episode 8 - Ang Di-makatarungang Barker.

Nitong weekend, naka-cover ako ng siguro more than 150 Km. sa aking kakabyahe.
Eto, i-re-recap ko ang lahat ng aking napuntahan.
Natapos yung klase ko nung Friday, tumakbo kagad ako ng apartment at kinuha ang aking mga gamit.

1st Stop - Malvar, Batangas.
Nakitulog ako sa relatives namin dito kasi kinabukasan may pupuntahan kami para sa DevCom 10 Class namin. Ayon, masaya dito kasi yung isa kong tito, na para ko lang pinsan, kapareho ko ng trip. Nung papunta na dito, sa terminal, jeep ang sasakyan, tapos bale pang dalawang tao na lang ang upuan, nagtatawag yung barker ng 4, pinapausog nga ako kaso ayaw ko nang umusog kasi buntis yung katabi ko.

2nd Stop - Fernando Air Base, Lipa City, Batangas
Dito yung pinuntahan namin para sa Project namin. Nanginterview kami ng 6 households. Nung una kahit may permit na kami, ayaw kaming papasukin, nagkukulitan pa nga kami, sabi namin pagbababarilin kami palabas, or i-sa-salvage kami. Feeling namin mga journalist talaga kami kasi yung tipong magpapakita ng permit, makikipag-reason out. Bawal daw yung camera, pero tinago namin, tapos ginamit yung phone-cam ko, hehe, galing di ba?

3rd Stop - Malvar ulit
Bumalik lang ako dito para kumain at magpahinga tapos luwas na ulit.

4th Stop - Cubao, Quezon City
Umuwi na ako. Ganon. Inabutan ako ng ulan.

5th Stop - Los Banos, Laguna
Syempre, babalik din ako sa pinangalingan kasi may pasok bukas, at may exam pa. Anlakas ng ulan nung papabalik na ako, nung una nga dapat commute lang ako tapos kinulit ko si mama na ihatid na lang ako. Kaya ayon.

Astig, hindi natuloy yung reporting namin ngayon. Maganda yon.

Napagalaman ko na ang dating pangalan ng LB ay Mainit. Hmm (refer to Episode 2)