Thursday, December 16, 2004

Of Military Courtesy, Momentum, and Burned Fingers...

Hmm...today was the final day of the exams, so todo buhos na ng makakaya, anlabo nun ah...pero ganon talaga eh...

Karamihan dun sa exams, kung ano pa yung ina-anticipate mong relief sa nagdudugo mong utak, yun pa ang mas nagpasakit, adds insult to injury ika nga, pero ayos lang, I gave it my bloody best.

Astig nag-CAT kami kanina, ang saya, nakakatuwa kasi napatunayan talaga namin na ang Bravo ang tunay na Alpha (that sounded odd) tapos nagpractice kami sa Alberto Band Rehearsals, di kasi pede sa Naked Mind, twas reserved for the entire bloody day! Yaman nung taong yun! So we practiced, tapos nung mga unang try, di kami makalagpas sa 1st stanza ng kanta, tapos tunog tae pa, tapos na lecturan pa kami nung may-ari nung studio, something about his place being unconventional and stuff...di daw sya katulad ng iba...ayos din eh! Pride!
So ayon, nag-practice kami, maraming tawanan, natakot si Denise sa multong wala naman na si Ning lang pala, tumalon talon kami sa tuwa, nagkalabuan ng tutugtugin kasi iba-ibang kanta yung tinutugtog ng iba't ibang instrument, pero in the end, napatunayan namin na kaya rin pala namin, kahit na maliit na chance lang, na makapag-provide ng maganda-gandang competition sa ibang banda, ehehe...

Sobrang saya ng araw na ito, naalala ko ulit kung bakit ayaw ko, at takot akong lumisan ng JASMS, o tumanda, kasi pagkalagpas ng Highschool, di na mauulit eto, kahit gaano mo pilitin, wala na, kaya e-enjoyin ko na ang buhay ko hanggang wala pa ako masyadong responsebilidad (wow dude, sobrang lalim nyan!)

No comments: