Wednesday, August 15, 2007

raindrops keep falling

so i had me a conversation with the sun
and i didn't like the way that he got things done
sleeping on the job...

wrong timing yung ulan.
maling timing yung pag-suspend.
wala naman akong nakabinbin na exam bukas.
bakit bukas?
pwede bang i-move na lang sa friday?
...
...
alam kong dapat nagpapasalamat ako dahil makakapagpahinga ako bukas.
pero...
atrasadong atrasado na kami sa BC103.
isang buwan na kaming di nagmeet.
tapos dahil wala ulit klase bukas, magpapa-makeup class na lang sa sabado.
na kasabay ng klase ko sa Comm120.
tapos wala na daw galawan yun.
fixed na daw.
at sa meeting na ito i-di-discuss yung tungkol sa midterms namin
so pano ko malalaman yung kelangang gawin?
...
...
sobrang gulo na ng schedule ko (wow, may pa-schedule-schedule na pala ako ngayon)
na-mo-move ng na-mo-move yung mga kelangan kong gawin.
at dahil dun
nagkakasabay-sabay lahat ng requirements ko.
dapat kung walang mga suspension ay maximum of 1 requirement a week.
ngayon...
andami ko nang kelangan gawin.
...
...
salamat egay.
anlaki mong tulong.

No comments: