Thursday, September 10, 2009

nakakatawa

Nanonood rin ako ng balita kanina at pinapakinggan ko ang mga reaksyon ng ilang kilalang mga personalidad sa pag anunsyo ni Noynoy Aquino ng kanyang kandidatura.

Nakakatawa.

Pakinggan mo ang ibang mga Presidential Aspirants ng oposisyon. Pare-pareho lang ang mga kinakanta nila, "gusto kong magkaisa ang oposisyon at ang sambayanan." Ganon ang sinasabi nilang lahat. Pare-pareho nilang pinagmamalaki na handa silang mamuno at magsakripisyo para sa ipagkakaisa ng oposisiyon at ng sambayanan.

Pero sabi nga nila, actions (or the lack of it) speak louder than words.

Tinanong silang lahat kung handa ba silang umatras sa pagtakbo para sa ipagkakaisa ng oposisyon. Kanya-kanya sila ng paraan ng pagpaliwanag pero pare-pareho lang sila ng sinabi, "Hindi ako aatras." Maaring talagang gusto nilang tumulong, maaring tumatakbo sila para lang sa pansariling ambisyon. Pero ang nanginigbabaw, gusto man nila tumulong o hindi, gusto nilang pangalan nila ang mapuri at mangibabaw. Na mas pipiliin nilang makilala at mapursigi ang kanilang mga ambisyon kaysa sa ikaaayos ng mas nakakarami.

Nakakatawa.

No comments: